Prologo


Una sa lahat… maraming salamat at nalaman niyo ang aking bagong mahiwagang account sa blogger!. Bago muna ang lahat, itong account na ito ay naglalaman ng sari-saring ideya at karanasan ng aking buhay. Di ko rin naman masasabi na ito ay isang seryosong usapin pero pipilitin kong baguhin ang konsepto ng account na ito sa “Chronicles of Bea” na kadalasan ninyong binabasa na nakakatawa at minsan naman, nakakabuwisit basahin dahil puro kabaklaan lang o di naman kaya, puro inarte lang sa buhay.

Ang “Chronicles of Bea” ay isang blog na kung saan, dun masusukat ang aking abilidad bilang isang komedyanteng manunulat o di naman kaya isang paraan lamang ng paglabas ng mga hinanakit sa buhay ko. Ito rin ay sumasalamin na sadyang maarte talaga ang buhay ko at kailangang maging eksahirado ang lahat ng galaw at pananalita at kailangang gumamit ng “gay lingo” para mas nakakatawa at bakla kung basahin.

Ibahin niyo ang “Confessions of “Bea” the Drama Queen” dahil una sa lahat, ibibigay ko ang lahat ng nararandaman ko mapainarte man o mapa‘emo’ ang kalalabasan. Wala akong pakialam kung corny ang kalalabasan nito at inuulit ko na wala akong pakialam.

Sa bagay, buhay nga naman ay may dalawang mukha. Kasiyahan at kalungkutan. Tulad nga ng sinabi ni Clodualdo Del Mundo na isang tanyag na Palanca Awardee…

"Ang tao ay isang dahon na sumasalpok sa alon ng malawak na dagat… kaawa-awa. Walang patutunguhan sapagkat wala naman itong pinagmulan".

Di natin alam kung sino ang kauna-unahang nagturo sa atin ng salitang kasiyahan at kalungkutan. Marahil, sabi ng iba, kila Eba at Adan pero di rin…

Bakit pag masaya ka... ayaw mo ng makawala sa ganu’ng sitwaston? Pero pag malungakot ka naman, parang wala ng bukas?

Mga tanong na pilit ko ring sinasagot sa mga panahong ito. Baka sa tulong ng account na ito, dalawang mukha ng tao ang kailangan kong usisain, pakiramdaman at maranasan.

Muli, isang maganda umaga, hapon o gabi man sa inyaong orasan!
0 Responses

Post a Comment

Powered By Blogger