Si Janine... Papakabog?

ang kaibahan sa post na ito, mas seryoso at mas nakakalokang rebelasyon ang gusto kong ilabas na kahit sa blog ko nalang, may karapatan din naman akong masaktan at ma-imbyerna di ba?
uulitin ko na sana, wala na akong reaksyong maririnig tungkol sa isyung ito at mahinhin kong sasabihin na...
"what happens in IPR, stays in IPR"

ulit, babasagin ko ang aking pananahimik at ayoko ng magcomment ulit. ayoko namang manakit ng tao verbally at i think it is the best way para kahit papaano, marahan ko rin naman nasabi ang aking mga comments at shout-outs.

inaaamin ko naman na naging masaya ako sa naganap na IPR at nakaramadam ako ng "company" sa aking mga co-staffers sa TN. sinulit ko ang panahong iyon na para bang wala ng bukas at kung pwede lang i-rate ang nararamdamang happiness ko nun... perfect 10 ika nga nila.

pero alam mo naman ang panahon... pabago-bago at lalo na ngayon na nararamdaman natin ang climate change sa mundong ating ginagalawan, ang naramdaman kong kasiyahan ay nauwi sa pagkabwisit at pagka-imbyerna.

plano ko na talagang magdala ng extra clothes para sa event na iyon at plano ko talagang mag"change outfit" every segment ng show. sabihin na nating magaeffort talaga at yun na yun. at di ko inakala na sa sobrang planado ko ang lahat, di ko alam na darating ang moment na dahil sa pagchachange outfit, yun pa ang mitsa ng kahihiyan at walang dangal na pag-aalipusta sa pagkatao ko.

Umaga palang nung sinabi ni Marvin sa akin na special guest performer daw ako sa grupo nila Kenneth, Er-Er, Ren, Rammie at Ryan. Pumayag naman ako sa kagustuhan niya without knowing kung ano bang katarantaduhan ito. Gabi ko na malaman na isang malaking disater ang lahat at yun talaga ang pinakadi ko mallilimutan sa buong buhay ko.

ang moment of truth, dumating na. pabiro ko pang sinabi na SI JANINE? PAPAKABOG? bigla nalang akong nagulat sa pinagsusulat na script ni Marvin na sabihin nating super funny para sa mga taong nanonood nito pero ako, di ko akalain na ganun pala ang mangyayari. nakasulat sa script ni Marvin na kailangan kong tumabling ng tatlong beses, mag-split ng todo todo, at maging kabayo sa paningin nila with matching ride with my back nila Kenneth at Rammie. sa totoo lang, gulat na gulat ako nun at pinakamost embarassing moment na di ko matanggap sa sarili ko ang ganung pangyayari. bakit?

Reaksyon:
* ok lang naman sa akin na tumambling ako at magsplit at sakyan sa likod dahil inaamin ko naman na malikot din naman ako. pero ang nakakasama lang ng loob, sana sinabihan lang naman ako na mag-jeans para mas nagawa ko ang stunts na di ako naiilang. actually, nakadress ako nun at maikli pa ang length skirt nito at ikaw ba naman patumbilingin ng nakadress... di ka ba mag-aalinlangang gawin yun? ang point ko naman, kahit busabos na bading ang tingin niyo sa akin, at sabihin na natin na ako ang pinakakacheapang bading na nakita niyo, sana man lang, a little concern para sa pagkatao ko na pwede namang sabihin na magsuot ka ng jeans or wear comfotable stuffs para di ka mailang magtatatumbling. eh hindi yun ang nangyayari. bading ka na nga tapos pagtawanan ka pa at nilait ka pa at niyurakan pa pagkatao mo... yun ang nanakabwisit. kaya minsan, nawawalan ako ng respeto sa mga taong katulad nila Marvin dahil ni konting konsiderasyon... di man lang binigay sayo.
* ok lang naman sa akin na babuyin niyo na pagkatao through verbal na minsan Joke Joke Joke pa ang tingin nito sa mga taong nagsasabing kabayo ka or what. sanay na sanay na akong laitin ng mga taong nasa paligid ko at kahit masakit sa loob ko, kinakaya kong tanggapin. I am always Imposing RESPECT through my actions and words sa Tn, sa school at san man akong magpunta pero di yun ang nakukuha kahit yung mga taong tinuring mo ng pamilya na kahit lagi kong sinasabi na yung mga taong nirerespeto ko ng malaki, yung mga taong akala ko na tanggap nila yung gender ko, yun pa yung mga taong bibigyan ka ng pinakamalaking sakit sa ulo na madadala mo for the rest of your life. sa bagay, pagkakamali ko rin naman na binigay ko ang buong pagtitiwala ko at super duper confident ako at bigla lang mawawala ng ganun.
* super ok lang sa akin na saktan ako verbally pero sobra na talaga kung physically abused, gagawin sayo. parang feeling ko, ganun na ba kabusabos ang pagkatao ko para babuyin ng ganun? hindi sa pagiging OA pero sa totoo lang, yun ang nararamdaman ko. ewan ko ba kung bakit may mga ganung tao sa mundo pero pilit ko mang intindihin ang lahat, nawawalan din ako ng pasensiya at understanding. tao din naman ako na may pakiramdaman at hindi sa lahat ng panahon, bato ako kung ituring ng iba.

isang malaking pagkakamali ko ay binigay ko ang buong pagtitiwala ko sa mga taong akala ko, sila pa ang makakaintindi sa akin at ibabalik ang respetong binigay ko ng buong-buo para sa kanila. akala ko noon, ito pa ang mga taong tutulungan akong iwaksi ang lahat ng mga abusong nararamdaman mo sa society pero ito rin pala ang mga taong magpaparamdam sayo na ang mga taong katulad ko na bading, dapat paglaruan at saktan physically and verbally.

nawala lahat ng respeto sa sarili ko nung gabing iyon. nahihiya ako sa lahat ng pinaggagawa ko at masama talaga ang loob ko kung bakit may ganun pang pangyayari. naubos lahat ng pasensiya ko at lahat ng pagtitiwala at respeto na binigay ko sa TN... nawala ng parang bula.

Pasensiya kung tingin niyo sa akin KABAYO at kung makikita niyo man ako, nagcoconstruct sa mga isipan niyo na ako ang tipo ng tao na walang emosyon at bato at kahit anong panglalait ang gawin niyo sa akin, feeling niyo ok lang, from now on... yun na ang huling pagkakataon na makikita niyo akong ganun at di na iyon mauulit.

hindi ako ang tipo ng tao na nagtatanim ng galit pero sa buong buhay ko, dun ko lang naranasan ang ganoong happening. pero di ako nangngako na ganun pa rin ang treatment ko sayo dahil kung ako, magkamali man ako, sinisigurado ko naman na di ko inaapakan ang pagkatao nito.

ito na ang huling pagkakataon na magsasalita ako ng ganito. Sana, maging sensitibo naman ang iba diyan at wag ng palalain ang isyung ito. gusto ko mang ipadelete lahat ng videos sa presentation nila ni Marvin pero wala sa akin ang power para gawin ito. gustuhin ko mang ipadelete ang mga photos na natutuwa pang kunan ng litrato ng mga photographers, di ko magawa.

Sana wala ng isyu at ayoko ng makarinig ng comments tungkol dito at yun lang ang pakiusap ko. tapos na yun at nangyari na ang dapat mangyari. kalimutan na natin ang lahat.
Si Janine... Papakabog?
Powered By Blogger