kelan? saan? huh?

Si Janine... Papakabog?

ang kaibahan sa post na ito, mas seryoso at mas nakakalokang rebelasyon ang gusto kong ilabas na kahit sa blog ko nalang, may karapatan din naman akong masaktan at ma-imbyerna di ba?
uulitin ko na sana, wala na akong reaksyong maririnig tungkol sa isyung ito at mahinhin kong sasabihin na...
"what happens in IPR, stays in IPR"

ulit, babasagin ko ang aking pananahimik at ayoko ng magcomment ulit. ayoko namang manakit ng tao verbally at i think it is the best way para kahit papaano, marahan ko rin naman nasabi ang aking mga comments at shout-outs.

inaaamin ko naman na naging masaya ako sa naganap na IPR at nakaramadam ako ng "company" sa aking mga co-staffers sa TN. sinulit ko ang panahong iyon na para bang wala ng bukas at kung pwede lang i-rate ang nararamdamang happiness ko nun... perfect 10 ika nga nila.

pero alam mo naman ang panahon... pabago-bago at lalo na ngayon na nararamdaman natin ang climate change sa mundong ating ginagalawan, ang naramdaman kong kasiyahan ay nauwi sa pagkabwisit at pagka-imbyerna.

plano ko na talagang magdala ng extra clothes para sa event na iyon at plano ko talagang mag"change outfit" every segment ng show. sabihin na nating magaeffort talaga at yun na yun. at di ko inakala na sa sobrang planado ko ang lahat, di ko alam na darating ang moment na dahil sa pagchachange outfit, yun pa ang mitsa ng kahihiyan at walang dangal na pag-aalipusta sa pagkatao ko.

Umaga palang nung sinabi ni Marvin sa akin na special guest performer daw ako sa grupo nila Kenneth, Er-Er, Ren, Rammie at Ryan. Pumayag naman ako sa kagustuhan niya without knowing kung ano bang katarantaduhan ito. Gabi ko na malaman na isang malaking disater ang lahat at yun talaga ang pinakadi ko mallilimutan sa buong buhay ko.

ang moment of truth, dumating na. pabiro ko pang sinabi na SI JANINE? PAPAKABOG? bigla nalang akong nagulat sa pinagsusulat na script ni Marvin na sabihin nating super funny para sa mga taong nanonood nito pero ako, di ko akalain na ganun pala ang mangyayari. nakasulat sa script ni Marvin na kailangan kong tumabling ng tatlong beses, mag-split ng todo todo, at maging kabayo sa paningin nila with matching ride with my back nila Kenneth at Rammie. sa totoo lang, gulat na gulat ako nun at pinakamost embarassing moment na di ko matanggap sa sarili ko ang ganung pangyayari. bakit?

Reaksyon:
* ok lang naman sa akin na tumambling ako at magsplit at sakyan sa likod dahil inaamin ko naman na malikot din naman ako. pero ang nakakasama lang ng loob, sana sinabihan lang naman ako na mag-jeans para mas nagawa ko ang stunts na di ako naiilang. actually, nakadress ako nun at maikli pa ang length skirt nito at ikaw ba naman patumbilingin ng nakadress... di ka ba mag-aalinlangang gawin yun? ang point ko naman, kahit busabos na bading ang tingin niyo sa akin, at sabihin na natin na ako ang pinakakacheapang bading na nakita niyo, sana man lang, a little concern para sa pagkatao ko na pwede namang sabihin na magsuot ka ng jeans or wear comfotable stuffs para di ka mailang magtatatumbling. eh hindi yun ang nangyayari. bading ka na nga tapos pagtawanan ka pa at nilait ka pa at niyurakan pa pagkatao mo... yun ang nanakabwisit. kaya minsan, nawawalan ako ng respeto sa mga taong katulad nila Marvin dahil ni konting konsiderasyon... di man lang binigay sayo.
* ok lang naman sa akin na babuyin niyo na pagkatao through verbal na minsan Joke Joke Joke pa ang tingin nito sa mga taong nagsasabing kabayo ka or what. sanay na sanay na akong laitin ng mga taong nasa paligid ko at kahit masakit sa loob ko, kinakaya kong tanggapin. I am always Imposing RESPECT through my actions and words sa Tn, sa school at san man akong magpunta pero di yun ang nakukuha kahit yung mga taong tinuring mo ng pamilya na kahit lagi kong sinasabi na yung mga taong nirerespeto ko ng malaki, yung mga taong akala ko na tanggap nila yung gender ko, yun pa yung mga taong bibigyan ka ng pinakamalaking sakit sa ulo na madadala mo for the rest of your life. sa bagay, pagkakamali ko rin naman na binigay ko ang buong pagtitiwala ko at super duper confident ako at bigla lang mawawala ng ganun.
* super ok lang sa akin na saktan ako verbally pero sobra na talaga kung physically abused, gagawin sayo. parang feeling ko, ganun na ba kabusabos ang pagkatao ko para babuyin ng ganun? hindi sa pagiging OA pero sa totoo lang, yun ang nararamdaman ko. ewan ko ba kung bakit may mga ganung tao sa mundo pero pilit ko mang intindihin ang lahat, nawawalan din ako ng pasensiya at understanding. tao din naman ako na may pakiramdaman at hindi sa lahat ng panahon, bato ako kung ituring ng iba.

isang malaking pagkakamali ko ay binigay ko ang buong pagtitiwala ko sa mga taong akala ko, sila pa ang makakaintindi sa akin at ibabalik ang respetong binigay ko ng buong-buo para sa kanila. akala ko noon, ito pa ang mga taong tutulungan akong iwaksi ang lahat ng mga abusong nararamdaman mo sa society pero ito rin pala ang mga taong magpaparamdam sayo na ang mga taong katulad ko na bading, dapat paglaruan at saktan physically and verbally.

nawala lahat ng respeto sa sarili ko nung gabing iyon. nahihiya ako sa lahat ng pinaggagawa ko at masama talaga ang loob ko kung bakit may ganun pang pangyayari. naubos lahat ng pasensiya ko at lahat ng pagtitiwala at respeto na binigay ko sa TN... nawala ng parang bula.

Pasensiya kung tingin niyo sa akin KABAYO at kung makikita niyo man ako, nagcoconstruct sa mga isipan niyo na ako ang tipo ng tao na walang emosyon at bato at kahit anong panglalait ang gawin niyo sa akin, feeling niyo ok lang, from now on... yun na ang huling pagkakataon na makikita niyo akong ganun at di na iyon mauulit.

hindi ako ang tipo ng tao na nagtatanim ng galit pero sa buong buhay ko, dun ko lang naranasan ang ganoong happening. pero di ako nangngako na ganun pa rin ang treatment ko sayo dahil kung ako, magkamali man ako, sinisigurado ko naman na di ko inaapakan ang pagkatao nito.

ito na ang huling pagkakataon na magsasalita ako ng ganito. Sana, maging sensitibo naman ang iba diyan at wag ng palalain ang isyung ito. gusto ko mang ipadelete lahat ng videos sa presentation nila ni Marvin pero wala sa akin ang power para gawin ito. gustuhin ko mang ipadelete ang mga photos na natutuwa pang kunan ng litrato ng mga photographers, di ko magawa.

Sana wala ng isyu at ayoko ng makarinig ng comments tungkol dito at yun lang ang pakiusap ko. tapos na yun at nangyari na ang dapat mangyari. kalimutan na natin ang lahat.
Si Janine... Papakabog?
Basagan!
Ulit, Ayoko ng gulo at ayoko na ng maraming usap-usapan tungkol sa ilang mga bagay na dapat nadadaan sa mahinahon’g pag-uusap.

Binabasag ko na ang aking katahimikan at sana, di na ito maging issue ulit at di na ako magsasalita tungkol sa isyung ito at siguro, ayos na sa akin ang magpaliwang sa blog at baka mamaya, anu nanaman ang masabi ko na di kanais-nais sa tenga ng mga nakikinig na dapat ko bang ibulyaw o isigaw sa mga eardrums nila.

Matagal ng naantala ang photo shoot sa Handurawan at Magazine issue ng TN at matagal na rin ang proseso nito at sa kagagawan ko na mafix ang sked nito sa Friday at Sunday within this week, natuloy ito ng walang alinlangan.

Matagal na rin na ring plano ang pagpunta sa Bayawan para magshoot ng Magazine show para sa mahal naming si DX at sa walang budget pa ang iba tulad nila Shelo, Crisjean at ako, di matuloy-tuloy ang pagpunta hanggang sa pakana ko rin naman na i-set ang sked sa Saturday dahil Sunday naman ang pictorials sa Magazine.

Hanggang dumating sa punto na busy ako sa pagprepare sa Handu na shoot, busy pa sa Finals at yung iba, Di na nga ako nakapagsubmit dahil nung Thursday, humingi ako ng favor kila Erickson na iprint ang report ko sa labas ng campus, sabihin ba naman na busy sila dahil kakanta lang naman sa WOF (World of Fun) Videoke room at di na nila maasikaso ang report ko, dumating talaga sa punto at di ko inaasahang mangyayari na gabi na matapos ang photoshoot sa Handurawan at kailangan kong umalis ng maaga papuntang Bayawan.

Nauna sila Yanz, Chessa at Erickson doon at ako naman ay bumyahe ng umaga at nakarating sa Bayawan around 1 pm. Ang buong akala ko naman, malapit lang ang Dawis na area na dun kami magshoshoot at laking gulat ko nalang na two hours pala ang byahe at ang lasttrip ay alaskuwatro na ng hapon.

Nakansel ang Dawis na itinerary at inisked sa Sunday ang planong shooting. Dun nagsimula ang pagsakit ng aking ulo dahil di ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
Kung di ko sisiputin ang pictorial, talagang magiging isang DISASTER ito dahil malaki ang responsibilidad na dapat kong gampanan sa photo shoot.

Alam ko rin naman ang fact na planado na ang lahat at kung di ako sisipot, masisira ang choreography nito at ligwak lahat ng plano dahil mas priority ko ang iilan sa mga models na pasaway at may onting attitude problem, ako ang may hawak sa kanila at kung di sumipot ang isa, ewan ko nalang.

Nagpromise ako sa E-I-C ng publication at inaasahan niya talaga ang presence ko sa pictorials at kailangan kong tuparin at gampanan ito.

Mas alam ko rin naman ang katotohanan na Major subject ko ang nakasalalay sa Bayawan at mas kailangang iprioritize kaysa sa iba. Alam ko rin naman na malaki ang responsibilidad ko dun at talagang kailangang bigyang pansin.

Pero mas pinili ko ang photoshoot, bahala na kung bigayn ako ng grade na 80 na ika nga ni Yanz, Group ang pagbase sa grade, mas binigyan ko ng pansin ang pictorial dahil:

Hindi talaga planado ang magazine shoot. Bigalaan ang sked nito kaysa sa Handurawan na mas matagal ang preparations.

Tanggapin na natin na mas madaming tao ang gagalaw kaysa sa tatlong tao na pupunta ng bundok para magshoot pero di talaga ako confident na magiging maayos ang photoshoot kaysa sa video shooting sa Bayawan. Di naman sa parasite ako dahil inako na ang lahat ng responsibilidad ni Yanz pero isang area lang naman ang wala ako at the rest nun ay nandoon ang presence ko kaysa sa Magazine photoshoot na once lang mangyari at di na ito mauulit.

Laking gulat ko nalang nung magtext si Yanz kay Junrell na din a ako makakarating sa photo shoot dahil kailangan talagang ishoot ito sa Sumday at din a puwede ipagpaliban pa. Without knowing ang lahat, sinabi nalang sa akin ni Yanz na tinext niya si Junrell earlier. Kala ko naman, ok lang na di ako makapunta pero nakatanggap ako text messages na nided ang help ko sa pictorials kaya halos nawindang ako kung ano ang dapat kung unahin.

Naimbyerna si Yanz sa akin banding alas sais ng umaga (at di masyado kagandahan ang oras para maimbyerna!) at tinext ang ibang staff sa publication ng mga harsh at si kagandahan ng mga texts dahil na rin sa decision ko at nagreact ang ibang staff kung bakit ganun ang nangyari. Di ko rin naman sila masisi dahil kahit ako, ayokong makipagargue sa text dahil may nangyayari talagang misunderstanding.

Dumating ako sa TN office at sinalubong ako ng puro reactions at comments. Sa totoo lang, di ko alam kung dapat ba akong bumalik ng Dumaguete dahil sa nakikita ko sa kanila, makakaya naman nila ang photo shoot ng wala ako at later ko rin nalang nalaman na may plan B pala si Junrell just in case na wala ako sa pictorial.

Dumagdag pa sa stress ko ang pagloloko ng video cam na dala nila Chessa sa Bayawan at talagang mega worry ako dahil ako lang naman ang may alam sa pasikot-sikot sa Videocam na pagmamay-ari ko.

Kung susumahin ang lahat, halos ako ang naipit sa sitwasyon dahil na rin sa kagagawan ko. Again, ako ulit ang gumawa ng paraan para maging kumplikado ang lahat at doon ako nasasaktan ng sobra. Masyado akong iresponsable sa oras dahil kung maaga akong nakarating ng Bayawan, makakabalik ako ng Sunday at si magkakaroon ng problema ng ganoon kalaki. Pero dahil na rin ata sa pagod ko at walang tulog ng ilang araw, kaya naoversleep ako. Napakairesponsable.

Tama si Yanz… bakit ko ba talagang unahin ang Photoshoot na mas priority talaga ang major subjects? Kahit ako, di ko maexplain ng todo todo.

Malaki ang pagkakamali ko at ako ang dapat sisihin sa lahat ng ito at hindi ang ibang tao. Pero nasasaktan ako dahil nagkaroon ng gulo dahil sa akin at sa totoo lang, halos annoying ang mga banat ni Erickson dahil sa shooting na yan.

Sana kung ano man ang nangyari, mananatili nalang yun nung Sunday at wag ng lumala pa dahilako, di naman talaga ako nagkikimkim ng galit at kung ano man ang pagkakamaling nagawa ko, mas panahon pa naman para baguhin ito.

Sana tapos na ito at ulit, wag ng lumala pa!
At uulitin ko sa tatlong pagkakataon, itigil na ang isyu na ito dahil quesehodang ako ang tampulan ng kahihinatnan, wala akong pakialam at marami pa akong pinoproblema at di ko na kayang isalaksak sa baga ko ang isyung ito.
Magpatawaran na sa magpatawaran… at yun nay un..
estudyante blues



Kung ano nga ba ang kahulugan ng stress… nararamdaman ko ito ngayon. Gustuhin ko mang bumagsak sa kama at matulog na para bang yoko ng magising... di ko magawa. Pasa dito ng mga requirments, gumawa ng mga reports at kung anu-ano pa, ganito daw talaga ang buhay ng isang estudyante.
Eto ako ngayon... dalawumpu’t dalawang taon na at nag-aaral pa rin. Walang pinagbago kundi mag-aral at mag-aral sa bawat araw na dumadaan sa kalendaryo. Alam ko na isa na ako sa mga 'antique society' ng eskwelahang pinapasukan ko dahil running ako for magna… magnanine years sa college. Pabiro pero yun ang lualabas na katotohanan. Matatapos na ang semester bukas pero eto ako? Nagtatanong kung kelan pa ba matatapos ang semester sa buhay ko. Palagi nalang ba ganito? Di na ba aasenso ang buhay ko kundi mag-aral nalang ng mag-aral?
Gustuhin ko mang sumuko sa labanang ito, di ko magawa… nandito na ako eh… lahat ng pagsisisi ay nandiyan pero kung padadala ka, uuwi ka sa bahay niyo na bigo at walang kahihinatnan. Nung nabasa ko ang libro ni Bob Ong, ang ABNKKBSNPL ako, nagbigay to sa akin ng inspirasyon na kahit ilang taon ka pang mag-aral, walang sinusukat na panahon ang edukasyon. Darating rin ang araw na magtatagumpay ako at kailangan kong magsikap para marating yun.
Buhay na buhay ang dugo ko na makapasa ng mga requirements lalo na kay Mam Happiness, Mam Connie at Sir Amards at ang putang inang magaling magturo sa lahat, si Dejaresco! ang galing! pero sa loob ko, nakakapagod na talaga… Sana man lang, makayanan ko ang pressures.

Sa mga bright at intelehente, PAGBIGYAN! Sa mga bobo at di marunong gumawa ng report, PASENSIYA! At sa mga late magsubmit ng requirements, WAG NA KAYONG GUMAYA SA PINANGGAGAWA KO!
Prologo


Una sa lahat… maraming salamat at nalaman niyo ang aking bagong mahiwagang account sa blogger!. Bago muna ang lahat, itong account na ito ay naglalaman ng sari-saring ideya at karanasan ng aking buhay. Di ko rin naman masasabi na ito ay isang seryosong usapin pero pipilitin kong baguhin ang konsepto ng account na ito sa “Chronicles of Bea” na kadalasan ninyong binabasa na nakakatawa at minsan naman, nakakabuwisit basahin dahil puro kabaklaan lang o di naman kaya, puro inarte lang sa buhay.

Ang “Chronicles of Bea” ay isang blog na kung saan, dun masusukat ang aking abilidad bilang isang komedyanteng manunulat o di naman kaya isang paraan lamang ng paglabas ng mga hinanakit sa buhay ko. Ito rin ay sumasalamin na sadyang maarte talaga ang buhay ko at kailangang maging eksahirado ang lahat ng galaw at pananalita at kailangang gumamit ng “gay lingo” para mas nakakatawa at bakla kung basahin.

Ibahin niyo ang “Confessions of “Bea” the Drama Queen” dahil una sa lahat, ibibigay ko ang lahat ng nararandaman ko mapainarte man o mapa‘emo’ ang kalalabasan. Wala akong pakialam kung corny ang kalalabasan nito at inuulit ko na wala akong pakialam.

Sa bagay, buhay nga naman ay may dalawang mukha. Kasiyahan at kalungkutan. Tulad nga ng sinabi ni Clodualdo Del Mundo na isang tanyag na Palanca Awardee…

"Ang tao ay isang dahon na sumasalpok sa alon ng malawak na dagat… kaawa-awa. Walang patutunguhan sapagkat wala naman itong pinagmulan".

Di natin alam kung sino ang kauna-unahang nagturo sa atin ng salitang kasiyahan at kalungkutan. Marahil, sabi ng iba, kila Eba at Adan pero di rin…

Bakit pag masaya ka... ayaw mo ng makawala sa ganu’ng sitwaston? Pero pag malungakot ka naman, parang wala ng bukas?

Mga tanong na pilit ko ring sinasagot sa mga panahong ito. Baka sa tulong ng account na ito, dalawang mukha ng tao ang kailangan kong usisain, pakiramdaman at maranasan.

Muli, isang maganda umaga, hapon o gabi man sa inyaong orasan!